Sunday, October 7, 2018

PAANO MAG DRIVE NG MANUAL (How to drive Manually)

Hi mga idol! Ang blog na ito ay para sa mga Pinoy o yung mga taong gusto ng tagalog version ng driving tutorial. Kung kayo ay nag di-drive ng Automatic transmission (AT) na sasakyan at gusto nyo matuto ng Manual Transmission (MT), itong blog na ito ay para sa inyo. May dalawang pinagkaiba ang Manual sa Automatic Transmission at ito ang mga sumusunod:


1. KAMBYO o GEAR SHIFT. Sa AT ay automatic nagbabago ang gear ng sasakyan depende sa apak mo sa gas, habang sa MT ililipat mo naman ng kusa kambyo sa sa gear 1, 2, 3, 4, 5, minsan hangang 6 o higit pa, at sa reverse. Ang tamang pag lipat ng kambyo ay palaging maguumpisa sa 1, papunta sa 2, 3, 4, 5, at gear. Hindi ka pwede lumaktaw (e.g. gear 1 to gear ). Ang tamang pagbaba naman ng kambyo ay idedepende mo sa bilis ng takbo ng sasakyan (e.g. mabilis sasakyan at nasa gear 5 ka pero biglang bumagal ang takbo ng sasakyan, diyan pwede mo ibaba sa gear 3 ng hindi dumadaan sa gear 4).

2. CLUTCH PEDAL. Sa AT ay dalawa lang ang pedals; gas at brake pedals. Samantalang sa MT ay tatlo dahil may nadagdag na isa ( Clutch Pedal ). Ang ibigsabihin ng Clutch ay to grasp tightly o to hold onto something. Ibigsabihin, para mailipat mo ang kambyo o gear ay dapat i-clutch mo muna ito o hawakan. Sa ganitong paraan mo lamang maaaring ilipat ang kambyo mo. Sa makatuwid para mailipat mo ang gear ( e.g. gear 1 to 2) ay dapat mo muna igrasp o hawakan ung gear mo gamit ang clutch pedal.




TAMANG APAK SA CLUTCH

Ang tamang pag apak sa clutch ay palaging sagad. At ang release o bitaw naman ay palaging dahan dahan kahit gaano pa kabilis o kabagal ang takbo ng sasakyan. Mahalagang masaulo ang clutch ng sasakyan dahil iba't iba ang clutch bite ng mga ito. Para malaman ang clutch bite narito ang mga hakbang na dapat mong gawin:

1. Apakan ang Clutch ng sagad
2. Ipasok ang kambyo sa gear 1
3. Dahan-dahang itaas ang clutch hangang sa makaramdam ng panginginig. Hindi dapat ito sobrang lakas na panginginig. Ang panginginig na iyan ang sensyales na nasa biting point na, yung tinatawag na clutch bite, ang kambyo mo. Manatili lamang sa panginginig na iyan at huwag mong tuluyan bibitawan ang clutch at unti-unti ng aandar ang sasakyan. Paulitulitinin lamang iyan ng ilang minuto hangang sa masaulo at mahanap ang clutch bite. Kung bago o malakas pa ang makina ng sasakyan,  kung nasa gear 1 at gear 2 maari ng umandar ang sasakyan mo kahit hindi pa gumagamit ng gas.

PAANO IINGATAN ANG CLUTCH PEDAL

Kung umaandar ng ang sasakyan at nawala na ang panginginig ay bitawan na ng tuluuyan ang clutch pedal. Masama sa clutch ang mag half clutch habang umaandar. hangga't maari ay iwasan ang clutch riding.

KAILAN AND MAGPAPALIT NG KAMBYO (change gear)

1. Sa mga baguhan mainam na magpalit ng kambyo tuwing nasa 2100 - 2300 na RPM ng sasakyan kung bago pa at malakas ang sasakyan. Iyan ay econo driving at smooth driving para sa lahat ng mga bagong drivers at bibili ng bagong sasakyan na walang econ signals.
2. Depende sa sasakyan at makina nagiibaiba ang RPM kung kailan magpapalit ng gear. Maaring mas mataas pa sa 2300 RPM at umabot pa nga ng 5000 RPM. Ganun pa man, Huwag natin masyado galitin ang makina bago magpalit ng kambyo.

Yun lang mga idol. Panoodin nyo ang videos ko sa youtube at mag-subscribe na din kayo para sa mas madami pang tutorials.

Para sa mas maraming videos please subscribe to my youtube channel:

https://www.youtube.com/channel/UCMul3uy3r98nV7ApXL_J6Dw?view_as=subscriber

o hanapin nyo lang sa search bar ang: MarkFlores Vlog

THANK YOU and DRIVE SAFE!!!







No comments:

Post a Comment