Sunday, October 7, 2018

PAANO MAG DRIVE PAG PAAHON (uphill driving)


Paalala, sa uphill driving dapat alam na alam na ang biting point ng sasakyan. Sa paahong daan maari nyo din magamit ang clutch bite. Kapag nasa matinding traffic kayo at nakatigil sa paahong daan, bago nyo bitawan ang brake pedal ay hanapin nyo muna ang clutch bite habang naka gear 1, sa pagkakataon na iyan kahit bitawan nyo ang brake ay hindi na kayo babagsak sa likod. Maari nyo din gamitin ang mga sunod-sunod na paraan para sa paahong daan (step by step):

1. Habang naka tigil (brake) ang sasakyan at naka hand brake,
2. apakan ang Clutch at ipasok ang kambyo sa Gear 1
3. Hanapin ang Clutch bite o yung pangininig ng sasakyan tapos
4. Apakan ang gas ng 2100-2500 RPM depende sa bigat ng sasayan
5. Bitawan ang Hand brake at aahon na ang sasakyan ng hindi bumaba kahit ni bahagya man lang.
Kung paunti unti naman ang traffic at medyo mabilis, pwedeng hindi ka na mag hand brake. Preno nalang, clutch, at gas. 
Para sa mas maraming videos please subscribe to my youtube channel:

https://www.youtube.com/channel/UCMul3uy3r98nV7ApXL_J6Dw?view_as=subscriber

o hanapin nyo lang sa search bar ang: MarkFlores Vlog

THANK YOU and DRIVE SAFE!!!

No comments:

Post a Comment